Linggo, Enero 29, 2012

Sana nagpalda ka na rin!

Porma. Importante ang porma sa lahat ng tao. Bago tayo umalis ng kani-kaniya nating mga bahay e sinisigurado nating maayos tayo tignan. Kahit anong klaseng porma pa yan lagi dapat meron para di naman tayo mukhang gusgusin. At malay mo pag nakasalubong mo pa crush mo e mapansin nya kahit yung porma mo lang.

Sabi ng karamihan mas simple daw pumorma ang mga lalake. Mas mahirap daw magbihis kapag babae na agree naman ako. Sa akin naman, ok na ang pormahan ko, jeans, t-shirt tas sapatos at konting ayos ng buhok pwede na! Yung iba mas experimental, astig, preppy, formla kunyari, hip-hop, etc.. Ok sa akin kahit ano pa trip mo sa bihisan. Basta dala mo yung porma mo, ok na yan. Ang hindi ko lang talaga matanggap pagdating sa mga nakikita kong lalakeng naka-porma e yung mga DALA ANG BAG NG GIRLFRIEND NILA! Amf talaga pag nakaka-kita ako ng ganun! Nagbihis pa e! Kung magdadala ka ng handbag, sana nagpalda ka na lang! Badtrip!


Pare hindi ko naman nilalahat. Ok lang na dalhin mo yung bag ng kasama mong babae kung ang dahilan mo kabilang sa mga sumusunod: asawa mo kasama mo(clue:outside the kulambo), mabigat talaga yung bag, me injury yung GF mo,madami siyang dala at ang huli e kung bading ka pala talaga. Kung wala sa mga nabanggit ang dahilan mo e olats ka! Ekis ka!

 Hindi ko talaga maintindihan e kung bakit kailangang dalhin ng mga BF o mga manliligaw yung bag ng kasama nila! Nakakadagdag pogi points ba kapag dala mo yung napakagaan na bag nya? Feeling mo gentleman ka nyan? At kelan pa bumagay sa lalaki ang pagdadala ng handbag? Kung wala sa tabi mo ang GF mo, mukha kang bading(no disrespect to the gays out there) dahil sa dalang bag. Nakaka-irita talaga e lalo na pag nakita mong napaka-liit na nung bag e dinadala pa ng lalake! Pucha naman sayang porma mo brad!

Kaya kung ginagawa mo ang pagdadala ng bag ng GF mo nang wala sa hulog, magbago ka na! Tandaan, hindi sila nahihirapan sa pagbubuhat dahil magaan lang yun at accessory talaga nila yun at kung sa tingin mo e nakasanayan mo at nag-eenjoy ka na sa pagdadala ng handbag, ibang usapan na yun. Sa mga kababaihan naman jan, pag magaan yung bag nyo, kayo na magdala. Under na sa inyo yang BF mo ipinapakita mo pa sa publiko kung paano mo siya kinakapon? Men! Kung di kayo sang-ayon sa'kin, di ko trip makipag-away, paliwanag lang ang hanap ko at trip ko lang talaga na paabutin ka sa Boilin Point! mo! Yeahba!

Martes, Enero 17, 2012

Teka, Pasahero Ka 'din 'di ba? AMF ka!

JEEP-ang pangunahing sasakyan ng mga komyuter dito sa Pilipinas. Siguro naman nakasakay na tayong lahat sa jeep 'di ba? Iba't iba ang mga karanasan natin sa jeep, me masaya, exciting(dahil sa mga adik na driver), maingay(patok beybe!), malungkot/nakakatakot(holdap anyone?), at higit sa lahat at kadalasan e talaga namang nakaka-init ng ulo at nakaka-Boiling Point! dahil sa mga kapwa nating pasahero na parang sa impyerno yata galing at talaga namang bubwisitin ka hanggang sa maging tropa mo na si satanas dahil sa kakamura!

Unang Boiling Point! moment. Siyempre ang mga barker laging lampas ng dalawa(isa bawat isang row) ang bilang kung ilan ba talaga ang seating capacity ng jeep. Bad trip na 'yun e, lalo sa umaga tas nagmamadali ka pa. Ang nakakadagdag sa kabadtripan, e yung mga pasaherong ayaw UMUSOG! Men! Sabi nung barker, konting usog! Bingi ka ba? Kung makapag tengang kawali sila kala mo doble ibinayad e! Ang masama pa nito, kung ikaw yung huling sasakay! Goodluck! Malamang upong tailbone ka na! Kahit anong siksik mo, di uusog yung mga lecheng yan.

Pangalawa. Huminto na ang jeep dahil traffic, me pumara, pula ang ilaw sa traffic light, ano man sa mga nauna tapos wala pang limang metro pagkatapos umandar ulit ng jeep, may papara! Sows! Sosyal ka brad? Ayaw mong lumakad ng konte kasi tisoy ka? Konti na lang e! Abala na sa drayber, abala pa sa kapwa pasahero! Wala man lang konsiderasyon ke manong drayber yung mga damuhong ayaw sumayad sa lupa ang sapatos e. Kung sosyal ka at ayaw mong maglakad, magtaxi ka! leche.

Pangatlo at ang pinaka-bad trip sa lahat, e yung mga mas sosyal pa sa pangalawa, yung mga ayaw mag-abot ng bayad! Sa unang "paki-abot nga po" at hindi inabot, mapag-bibigyan mo pa e kasi baka hindi narinig. Pero yung pangalawa at pangatlo, ibang usapan na 'yun! Ayaw na talaga iabot yung bayad mo men! Ibang klase kapal muks ng mga 'yan! Pakiramdam ata nila e sila lang ang anak ng Diyos at 'pag hinawakan nila yung bayad mo e magiging katulad na nila yung ibang pasahero. Men! Pasahero ka lang 'din 'di ba? Kung anak o asawa pa siya ng drayber ok lang kasi special siya. Pero hindi e! Sosyal lang talaga sila. Me pagkatanga pa ng konti yung mga ayaw mag-abot ng bayad kasi hindi nila mahalata na hindi mo talaga abot si manong drayber! Kung hindi lang talaga ako ipapapulis e matagal na siguro akong napa-away nang dahil lang sa otso na ayaw iabot ng katabi ko.

Kaya sa susunod na sasakay ka ng jeep, konting konsiderasyon naman. Kaya ka nga nag-jeep dahil masa ka di ba? Makisama ka sa ibang pasahero para hindi ka nasasaktan pag binabasa mo to! Ayusin mo ugali mo para bati tayo pag nagkasabay tayo sa jeep! Kung me angal ka, magvomment ka at sabihin mong Boiling Point! mo pag binabasa mo ang Boiling Point!

Linggo, Enero 15, 2012

Super Junior=Pwe!

Sa wakas may blog na ulit ako! Ako nga pala si Japs. Estudyante, tambay, gala at loverboy. Hehe.  Dati akong may blog pero sa Friendster pa dati yun at puro kakesohan ang laman nun kaya eto ako ngayon, bagong subject. Sana maaliw ka na bumabasa nito ngayon.

Masasabi kong mahaba ang pasensya ko pero ang hindi ko natitiis e yung katangahan ng karamihan sa atin na hindi natin namamalayan ay nakaka-init na ng ulo para sa iba. Sa araw-araw nating mga buhay, maraming pangyayari ang talaga namang susubok sa ating mga pasensiya! Yung tipong mapapamura ka talaga sa sarap! Ang Boiling Point! ay susubuking ilarawan ang mga kabuwisitang mga nangyayari sa paligid lalo na yung mga naranasan ko na malamang sa malamang e inabot nyo ring mga magbabasa ng blog na ito. Sana kay ay matuwa, maaliw, maliwanagan at higit sa lahat, ay makipag-diskusyunan sa isat'isa lalo na sa mga medyo seryosong bagay. Nawa'y matuwa kayo sa inyong mga babasahin at sana ay ipagkalat nyo sa iba ang experience.. Ciao!

Isa sa mga badtrip na korean group ang Super Junior
 And The Main Event! Syempre kailangan me unang post.. Eto ang huling nakaka-BOILING POINT! na nangyarisakin.. Papasok ako ng klase ko nung Friday tapos nakasakay ako sa Bus nang marinig ko ang kantang "Mr. Simple" ng Korean group na Super Junior. Bakit ako nabuwisit sa kantang 'to? Simple lang, hindi ko maintindihan yung kanta. E langya naman, koreano yung kanta men, bakit pinapatugtog sa FM!?! Nakaka-inis kasi karamihan naman satin hindi nakaka-intindi ng koreano bakit sa FM pa pinatugtog ng lecheng FM station?!? Tapos sa bus pa kung saan wala akong kontrol? Pak talaga!



Bakit nga kaya sumikat yung mga korean group na yan? Pakisagot nga! Badtrip kaya! Sa mga fans jan, paki-paliwanagan ako kung bakit nyo trip ang mga grupong hindi nyo naman naiintindihan ang lyrics? Bakit nyo trip ang mga hindi mo malaman kung lalaki ba talaga o bading dahil sa bihis nila, na kadalasan naka-makeup at blonde pa? Sa dami ng magagandang kanta na naiintindihan natin, bakit koreano pa ang nirerequest nyo sa MYX? Bakit men? Bakit?

Sa mga fans ng mga korean group jan, bago kayo magalit pakisagot muna yung mga tanong ko. pababain nyo muna ang presyon ko tas recommend kayo ng iba pang BOILING POINT! experiences! yeahba!