Huwebes, Agosto 30, 2012

Pre yung baso me lumot na!

Inuman blues naman tayo mga Boiling Point! people. Marami ang naniniwala na sa inuman mo makikilala ang mga taong nakakasama mo. Sa inuman kasi, me bilang lahat ng galaw mo. Lahat ng kuwento, kilos, tawa at siyempre tagay, marami ang nanunuod at nag-aabang. Kaya ito ang listahan ng mga taong talaga namang nakaka-badtrip sa inuman! Yung tipong dahil sa sobrang badtrip mo, pinag-iisipan mo nang hampasin ng bote pagkatapos ng inuman!

Unang olats sa inuman! Si Boy Buraot! Hindi ako magmamalinis at aaminin kong minsan ay di ko ma-iiwasang maging buraot kaya pati sa sarili ko, badtrip talaga ako! Hindi mawawala sa inuman ang mga buraot. Kadalasan, magaling mambola ang mga buraot. Dadaanin ka nila sa kuwento at mga patawa. Hindi mo mapapansin na sumasarap nga naman ang inuman pag siya ang bangka sa kuwento. Bida siya kumbaga. Pero pag dating ng bayaran, diyan huli ang mga buraot. Madalas silang nag-nininja moves pagdating ng bill. Kung patak-patak naman ang style nyo, malamang si boy buraot ang kumukuha ng mga patak para hindi halatang wala naman siyang ambag. Ok lang naman na ilibre siya e, pero ang nakaka-init lang talaga ng tumbong e kung sino nang hindi magbabayad, siya pang pinakamatakaw sa alak! Anak naman ng buwaya o! Kung makalagok ng beer e parang wala nang bukas! Hayyyssst!

Pangalawang kailangang bantayan sa tagay e yung mga me malilikot na kamay pagdating sa mga kasamang babae! Sila ay itago na lang natin sa pangalang Boy Manyak! Ang turing ni boy manyak sa sarili niya ay "God's gift to women". Para bang napaka-swerte pa ng babae na tinatabihan sila ng hambog na ito. Kadalasan ay sisimplehan niya ang mga babae sa kwento. Maya-maya, kunwari lasing na si ungas. Aakbay, tapos hahawak sa bewang. Pag nakalusot ang unang dalawang moves, ayan na, kung saan-saan na lumalanding ang kamay ni Boy Manyak! Tae! Sa mga ganitong tao ako talaga namang init na init! Kapag kasi   kinausap mo sila kinabukasan tungkol sa kamanyakan nila, isa lang ang sagot nila! "Di ko alam mga ginawa ko kagabi pare, lasing kasi ako." E tarantado ka pala eh! Dalawang bote lang nainom mo, lasing ka? Nampucha men! Wag ganun! Kung gusto mong magparaos, dun ka sa banyo! Wag dito sa mesa!


Ang pinakamadalas naman na nasa inuman ay yung mga Boy Pitik! Sila yung mga pumipitik na ng yosi, pipitikin pa pati lighter mo! Langya naman boss! Magbibisyo ka tapos hindi ka magbabaon ng yosi mo? Anong klaseng ugali naman yan. Alam mo nang mabilis maubos ang yosi sa inuman, tapos buburaot ka lang! Naman! Mahal na yosi pre, magdala ka din ng sayo minsan! Ang mas nakaka-inis pa sa mga buraot sa yosi, minsan maarte pa! Anlakas nila mangantyaw kapag nakita nilang yung murang yosi ang hinihithit mo. Tatawanan ka pa sabay tanong ng "Bakit fortune pare?" Samantalang pag nagkaubusan na, sila naman ang unang manghihingi ng "murang" yosi mo! Kapal ng mukha ampota! Sige pagbigyan na natin ang mga hindot na buraot ng yosi! Pero ang hindi ko mapalagpas at talaga namang nagdadala sa Boiling Point! ko ay yung mga pumipitik ng lighter! Ok lang sa yosi madami akong dala nyan. pero tsong, iisa lang ang lighter ko! Me mga lighter na mura men, kung gusto mo, ibibili pa kita pero ina naman! Wag mo naman nakawin lighter ko! Gaya nitong huling sabak ko, lima na nga lang kami sa mesa, 3 ang lighter sa hapag, nawala pa yung akin! Kung pwede lang maghurumintado e! O siya, tatagay pa ako at mag-oobserba ng mga hindot sa inuman. Tandaan nyo ang mga nabasa niyo ngayon para sa susunod na inom niyo, mabawasan ang tsansang hampasin ko kayo ng bote pag ako ang kaharap niyo! Kampay!