Martes, Enero 17, 2012

Teka, Pasahero Ka 'din 'di ba? AMF ka!

JEEP-ang pangunahing sasakyan ng mga komyuter dito sa Pilipinas. Siguro naman nakasakay na tayong lahat sa jeep 'di ba? Iba't iba ang mga karanasan natin sa jeep, me masaya, exciting(dahil sa mga adik na driver), maingay(patok beybe!), malungkot/nakakatakot(holdap anyone?), at higit sa lahat at kadalasan e talaga namang nakaka-init ng ulo at nakaka-Boiling Point! dahil sa mga kapwa nating pasahero na parang sa impyerno yata galing at talaga namang bubwisitin ka hanggang sa maging tropa mo na si satanas dahil sa kakamura!

Unang Boiling Point! moment. Siyempre ang mga barker laging lampas ng dalawa(isa bawat isang row) ang bilang kung ilan ba talaga ang seating capacity ng jeep. Bad trip na 'yun e, lalo sa umaga tas nagmamadali ka pa. Ang nakakadagdag sa kabadtripan, e yung mga pasaherong ayaw UMUSOG! Men! Sabi nung barker, konting usog! Bingi ka ba? Kung makapag tengang kawali sila kala mo doble ibinayad e! Ang masama pa nito, kung ikaw yung huling sasakay! Goodluck! Malamang upong tailbone ka na! Kahit anong siksik mo, di uusog yung mga lecheng yan.

Pangalawa. Huminto na ang jeep dahil traffic, me pumara, pula ang ilaw sa traffic light, ano man sa mga nauna tapos wala pang limang metro pagkatapos umandar ulit ng jeep, may papara! Sows! Sosyal ka brad? Ayaw mong lumakad ng konte kasi tisoy ka? Konti na lang e! Abala na sa drayber, abala pa sa kapwa pasahero! Wala man lang konsiderasyon ke manong drayber yung mga damuhong ayaw sumayad sa lupa ang sapatos e. Kung sosyal ka at ayaw mong maglakad, magtaxi ka! leche.

Pangatlo at ang pinaka-bad trip sa lahat, e yung mga mas sosyal pa sa pangalawa, yung mga ayaw mag-abot ng bayad! Sa unang "paki-abot nga po" at hindi inabot, mapag-bibigyan mo pa e kasi baka hindi narinig. Pero yung pangalawa at pangatlo, ibang usapan na 'yun! Ayaw na talaga iabot yung bayad mo men! Ibang klase kapal muks ng mga 'yan! Pakiramdam ata nila e sila lang ang anak ng Diyos at 'pag hinawakan nila yung bayad mo e magiging katulad na nila yung ibang pasahero. Men! Pasahero ka lang 'din 'di ba? Kung anak o asawa pa siya ng drayber ok lang kasi special siya. Pero hindi e! Sosyal lang talaga sila. Me pagkatanga pa ng konti yung mga ayaw mag-abot ng bayad kasi hindi nila mahalata na hindi mo talaga abot si manong drayber! Kung hindi lang talaga ako ipapapulis e matagal na siguro akong napa-away nang dahil lang sa otso na ayaw iabot ng katabi ko.

Kaya sa susunod na sasakay ka ng jeep, konting konsiderasyon naman. Kaya ka nga nag-jeep dahil masa ka di ba? Makisama ka sa ibang pasahero para hindi ka nasasaktan pag binabasa mo to! Ayusin mo ugali mo para bati tayo pag nagkasabay tayo sa jeep! Kung me angal ka, magvomment ka at sabihin mong Boiling Point! mo pag binabasa mo ang Boiling Point!

3 komento:

  1. yung ayaw mag-abot ng bayad... nakakagigil!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

    TumugonBurahin
  2. tamang tama ito sa katapat ko ng babae kagabi... ayaw na umusog ayaw pa mag abot ng bayad. Kawawa yung umuupong matanda sa bandang unahan ng jeep. Tinititingnan ko akala yata gandang ganda ako sa kanya, hindi niya alam kaya ko sya tinitingnan ang laki ng space ng upuan niya amf

    TumugonBurahin
  3. Ako pinapahiya ko mga ganan klaseng mamamayan. Hahaha! Putang ina nila kung papalag.

    TumugonBurahin