Sabi ng idol kong si Kuya Kim, ang buhay ay weather-weather lang. Minsan swerte, minsan naman, saksakan ka ng malas. Sa mga taong nakikilala at nakakasama natin, ganun din 'yan. May mga taong matatawag mong hulog ng langit at siyempre, madami yung mga sabihin na nating pati sa impyerno e baka hindi pa sila patuluyin. Iba't ibang klaseng taong makakasalamuha, iba't ibang klaseng karanasan. Nitong mga nakaraan e talagang nadala ako sa BoilingPoint! ko ng isang uri ng taong tawagin na lang nating "Nokia". Yung ubod nang kapal sa pagiging user friendly! Pucha! Hindi ko ugaling maghangad ng masama sa kapwa tao pero muntik na talaga e! Pfft!
Malamang e alam nyo naman na kung ano ang mga kartada ng ganitong mga klaseng tao, pero dahil sa nagbabasa ka ng BoilingPoint! Sama-sama nating balangkasin ang mga "Nokia". Una, dadating sila sa buhay mo na parang mga anghel na walang maidulot sa'yo kundi sandamakmak na kasiyahan at swerte. Cloud 9 ang feeling kumbaga. Sarap nila kasama, kakwentuhan, ka-inuman, kausap, kalandian, kakulitan at kung anu-ano pang sh*t na maiisip mong enjoy pag kasama mo sila. Andyan pa yung magkakapuyatan kayo na parang di rin kayo magkikita bukas. Pfft..
E 'di ayan, kilala mo na sila bilang mga bagong friend/inspirasyon/tropang dikit. Dun na sila magsisimulang umatake. Dito na papasok yung pagiging user-friendly ng mga damuhong ito pag nakuha na nila ang tiwala mo. Andyang uutangan ka, papalibre sa'yo, uutusan ka, at kung anu-ano pang panghaharabas sa katauhan mo na ikatutuwa nila! Halatado naman sila e. Alam mo kung ano lang talaga habol ng mga lintang ito sa'yo pero 'di mo pinapansin. Eto mga madalas mong palusot sa sarili mo tsong! Umamin ka! Sasabihin mo sa sarili mo, "For the sake of friendship", o "tropa e", pwede ring "nakaka-awa naman pare" o di kaya, "mabait naman sa akin 'to e". Pag naman chikas o pogi ang nokia, mas panalo mga rason mo, "Puso ang kalaban pare", "Siya na kasi yata e", "Masaya naman ako sa mga nangyayari e", ito ang kadalasang mga linya. Nampucha! E hindi lang natin alam e hindi man lang nila iniisip yung kalagayan ng mga ginagamit nila! Mga badtrip!
Pero siyempre all good things must come to an end ang drama ng mga damuhong yan! Pag tuyot ka na at hindi mo na maibigay yung mga trip nila, parang mga dagang nakakita ng pusa yang mga 'yan! Kebibilis mawala! Yung iba pa me natirang kaluluwa pa kahit papano, gagawan ka ng excuse para hindi ka masyadong kawawa. Yung iba, parang mga signal ng cellphone na bigla-bigla mawawala tas paparamdam paminsan. Pero yung pinakanakaka-irita sa mga Nokia e yung mga talaga namang kulang na lang e apoy sa background dahil talaga namang demonyo na sa sobrang sama! Sila yung mga tipong sasaktan ka pa sa dulo! Yung pina-asa ka sa masayang bukas pero naidlip ka lang saglit e nasa ibang kama na! Ay pucha! Men! 'Pag itong nokia na to ang nakatagpo mo, wag ka masyadong magkakakain ng ma-cholesterol dahil siguradong atake sa puso ang aabutin mo! GRRRR!! BoilingPointt achieved! Pocha!
Hayzt! Nako! Ewan ko sa inyo pero naku imbes na mtulog na'ko ngayon e papababa muna ako ng BP baka bangungutin ako. Medyo kaiba sa mga naunang post pero babawi ako sa kasunod! Suggest kayo ng mga BoilingPoint! moments nyo para masaya at sama-sama nating abutin ang ating mga BoilingPoint!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento