Musika. Musika ang isa sa mga pinakatrip ko sa mundo! Madami akong tugtog na sobrang trip at siyempre mas marami yung mga hindi. Lahat tayo me kanya-kanyang trip jan. Di kita aasarin kung trip mo si Justin Bieber o ang Call Me Maybe. Trip mo yan e. Ang kinaka-init lang talaga ng ulo ko e kapag yung taong me trip na kanta, e patugtugin ng malakas sa mga lugar na dapat e tahimik. Langya naman! Bumili ka ng kahit na pekeng Beats pare!
Isipin mo ha, nakapila ka sa kung anumang kelangan mong pilahan. Mainit, sikisikan, amoy alimuom tapos biglang yung nasa likod mo e papatugtog sa MP3 player niya! Pucha! Lakas ng trip e! Ito pa ha, ok lang sana yun e kung music ang papakinggan. E anak naman ng tinapa! FM pala yung trip! Hay naku brad! Di lahat ng tao trip yang si Christsuper at Nicholeyala! Sa haba ng pila e ingay lang ng radyo yung maririnig mo. Buti sana kung solid yung tunog e sabog pa yung loudspeaker! Ewan ko ba sa mga taong ganyan kung bakit hindi nila maisip na sila lang ang natutuwa sa kabobohan nila!
Pak talaga! Sige pagbigyan yung mga airhead sa pila. Kung na-tolerate yung mga kups na yun, siguro naman sa mga 'to ka badtrip na badtrip! Biyahero ako. Madalas ako sa bus kaya madalas ko ring nakakasabay yung mga damuhong hindi alam na mas maganda ang tunog pag naka-earphones sila! Shemay! Yung tipong pagod ka sa mahabang araw tapos gusto mo sanang umidlip sa biyahe tapos yung nasa harapang upuan e trip palang makinig ng hits ni Justin Bieber! 'Pag pikit mo pa lang e dinig na dinig mo na yung "Baby, Baby, Baby oh......" (pasintabi sa mga me trip ke JB, di ko siya trip e pero love ko pa din kayo.. palitan nyo na lang ng ibang lyrics.. hehe) Anak ng teteng talaga na LSS ka na!
Eto ang talagang nagtulak sakin kumbakit nag-init ang ulo ko sa mga bwakanang na mga ignorante sa earphones! Siyempre broadcast ang music nila. Lahat ng nasa paligid, makakarinig. Nang dahil sa ganun, nagiging insensitive sila sa mga taong nasa paligid na hindi nila alamm e me mga dinadalang problema na pinapa-alala ng mga kantang madamdamin. Gaya ng nangyari sa tropa ko. Nakapila kami sa kuhanan ng NBI clearance. Yung nasa harapan namin biglang nagpatugtog. Nung una ayos lang, OPM. Soundtrip din kami. E nung pangatlong kanta e sumingit ang emong kanta na "Heart of Mine" ni Boz Scaggs key in music "Heart of mine, how will you keep from dying, stop reminiscing, who is she kissing..." Langya talaga muntik magwala nung kasama ko e! Ganung-ganun kasi yung nangyari sa kanya e.. Hanapin nyo na lang sa youtube para magets nyo yung kanta. Eto pala yung kanta.http://www.youtube.com/watch?v=KbI9SuLZyGc&feature=related
Oh well. Hindi lahat ng tao kapareha ng trip mo sa buhay. Kung di ka sigurado, sarilinin mo muna yung trip mo tas magtanong2 ka muna sa paligid baka me brokenheart na bigla mo na lang bibigyan ng heart attack nang dahil sa kabobohan mo. Aba maam/ser ang mura lang earphones! Isip-isp ng kaunti para di kita mailagay dito sa BoilingPoint! Salamat po sa pagbasa at sana e ikalat nyo pa ang kabasa-basa sa kili-kiling highblood experience dito!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento